Saturday, November 27, 2010

FROYO: Ang paborito kong pagkain :)



Noong una ay naririnig ko lamang itong Frozen Yogurt o madalas tawaging Froyo sa aking mga kaklase. Noong una kong natikaman ay ang asim ng lasa pero sa pagdaan ng panahon ay nasanay na rin ako sa lasa. Halos araw araw na akong kumakain ng ganito, kahit anong nagbebenta ng ganito sa mall ay tinitikman ko, ilan na sa mga natikman ko na ay ang Tutti Frutti, White Hat, Red Mango at Golden Spoon at ang pinakamasarap ay ang sa Red Mango. Ito ay presyong ginto pero tiyak na masisiyahan ka naman kasi masarap ito.
Maraming nagsasabi na pa gang tao ay brokenhearted o may problema ay kumakain sila ng ice cream o di kaya ay mga tsokolate. Para naman sa akin, kumakain sin ako ng tsokolate pero mas madalas ang ice cream na ang pumalit na ngayon ay ang froyo. Kapag nakakain ako nito ay parang napapawi ang aking mga problema. Parang bigla akong sumasaya kahit pa anong grabe ng nararamdaman ko, kumbaga ito ang gamot sa sakit o problema na aking nararamdaman. Imbes na ang ordinaryong ice cream ang kinakain ay nagiging sosyal na, froyo na. Marami rin akong kaklase na kumakain nito, at sa totoo lang ay sa kanila ko ito nalaman. Para rin sa kanila ay isa itong pagkain na nakakapawi na kanilang problema o sakit na nararamdaman.
Marami akong nabasa sa internet na blog entries na nagsasabing hindi raw masustansya ang froyo kasi may tatlong sugar raw itong pinaghalo-halo at may naprosesong gatas na hindi maganda para sa ating kalusugan at mayroon rin naman nagsasabing okay ito dahil mataas ang protein. Iba iba ang opinion ng tao sa iba’t-ibang pagkain nasa iyo na ito kung maniniwala ka ba o hindi. Para sa akin, ay okay ito kasi nga ay natutulungan akong makalimutan ang problema kahit papaano.
Ikaw na nagababasa, kung hindi mo pa ito natitikman ay subukan mo na! Malay mo, gumaan rin ang pakiramdam mo tulad ko. :)

Raiza Fatima A. Sangalang
1h3


No comments:

Post a Comment